Madrona

Panukalang batas tungkol sa pagdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines inisponsoran ni Madrona sa Plenaryo

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
42 Views

𝗜𝗡𝗜𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗢𝗥𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗱𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 “𝗖𝘂𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀”.

Tumayo si Madrona sa Plenaryo ng Kamara de Representantes noong Agosto 6, 2024 para isponsoran nito at mapagtibay ng Kongreso ang House Bill No. 10634 na inakda ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo upang ideklara ang Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines”.

Kilala ang Pampanga bilang lalawigan na may pinakamasarap na putahe at iba’t-ibang pagkaing Pilipino.

Ang mga Kapampangan ay itinuturing din bilang pinakamahusay sa larangan ng pagluluto dahil sa kanilang taglay na talento.

Dahil dito, ipinahayag ni Madrona bilang chairperson ng Komite ang kaniyang suporta o sponsorship para sa panukalang batas na isinulong ni Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Madrona sa kaniyang “sponsorship speech” na: “Mr. Speaker and my dear colleagues. As Chairman of the Committee on TourismTourism it is my pleasure to sponsor today House Bill No. 10634 entitled An Act Declaring the Province of Pampanga as a Culinary Capital of the Philippines”. As embraced in Committee Report No. 1139 which has been approved by the Committee on Tourism.

Binanggit pa ng kongresista sa kaniyang sponsorship speech na nakahanda ang kaniyang Komite na suportahan at pangasiwaan ang mga nakasalang na panukalang batas patungkol sa pagausulong, pagpapa-unlad at promotion ng Philippine tourism kabilang na dito ang mga panukala na nagde-deklara sa isang lugar bilang isang tourist destination.

“The Committee on Tourism soon dated to facilitate measures relating to the development and promotion of tourism in the country, consequently it includes measures declaring areas as tourism destinations and some as capital of certain tourism components like culinary tourism,” sabi pa ni Madrona sa kaniyang talumpati.

Ipinaliwanag pa ng kongresita na ang “culinary tourism” ay hinango mula sa konsepto ng pagkain bilang pang-akit sa mga dayuhan at lokal na turista na subukan at matikman ang “specialty” ng isang partikular na tourist destination gaya ng Pampanga na nagpasikat sa delicasy na “sisig”.