Dolor

Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na

Helen D. Prado May 30, 2026
19 Views

NAUJAN, Oriental Mindoro – Sementado na ang kalsada sa Barangay Sta. Maria at mga karatig-barangay ng bayang ito na ginastusan ng P9,335,220.69.

Pinasinayaan ang proyekto sa Sitio Munting Paraiso sa nasabing barangay kasabay ng pagbubukas ng daan sa pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng komunidad na inisyatibo ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor.

Layunin nitong mapabilis at mapaginhawa ang transportasyon ng mga mamamayan, pati na rin ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa bahaging ito ng bayan.

Tiniyak pa ni Gob. Dolor ang pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Naujan.

Nagpasalamat si Punong Barangay Pedro Aday ng Sta. Maria sa pamunuan ng lalawigan dahil matagal na nilang inaasam ang pagpapaganda ng nasabing daan.

Natuwa din si Emiliano Eleponga ng Brgy. Apitong at ibinahagi na bagaman hindi sa kanilang lugar itinayo ang daan, malaki ang magiging pakinabang nito sa kanilang mga residente.

Dumalo sa opening ng kalsada ang maybahay ni Dolor na si Hiyas Govinda, Naujan Bise Alkalde Dan Melgar at mga kagawad ng Sangguniang Bayan na sina Wil Viray at Pat Dolor.