latas Ibinida ni Tourism Sec. Christina Garcia Frasco ang mga achievements ng Department of tourism sa House Committee on Tourism na pinangungunahan ni Romblon Lone Dist. Eleandro Jesus F. Madrona.

Frasco ibinida sa Kamara mga achievements ng DOT

Mar Rodriguez Nov 16, 2022
208 Views

INILATAG ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco sa Kamara de Representantes ang mga naging achievements ng kaniyang ahensiya sa mga nakalipas na buwan sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Humarap si Sec. Frasco sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Tourism na pinamumunuan ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona para magbigay ng “update o briefing” kaugnay sa mga agenda ng Tourism Department ngayon taon at papasok na taong 2023.

Buong pagmamalaking inilatag ni Frasco sa nasabing Committee Hearing ang mga natamong achievements ng kaniyang ahensiya matapos ang pagkakaluklok sa kaniya bilang Kalihim. Ilang buwan matapos naman maupo bilang pinuno si Pangulong Marcos, Jr.

Kabilang sa mga agenda ng DOT na inihayag ni Frasco sa pagdinig ng Komite ay ang “seven point agenda” nito na kinabibilangan ng (1) Improving tourism infrastructure and accecibility, (2) Establishing a comprehensive digitalization and connectivity, (3)enhancement of overall tourist experience, (4) Equalization of tourism product development and promotion, (5) Diversification of portfolio through multi-dimensional tourism, (6) Maximization of domestic tourism at (7) Strengthening tourism governance through close collaboration with LGU’s and stakeholders.

Bukod dito, sinabi pa ni Frasco na nakatakda na rin nilang iptupad ang tatlong programa ng kaniyang ahensiya tulad ng “connectivity”. Kung saan, ipapatulad ang digitalization sa DOT upang maging abot kaya ang gastos sa isang paglalakay o travel ng mga turista saiba’t-ibang bahagi ng bansa at magkaroon ng “accessible” internet connections.

Inihayag din ng Kalihim na noong nakalipas na Pebrero ng taong kasalukuyan (2022). Tinatayang 2 milyong international tourist ang nagtungo sa Pilipinas. Kung saan, P100.7 bilyon naman ang nalikom ng pamahalaan mula sa mga dayuhang turista.