Frasco

Frasco nakakuha ng 90.5% performance rating bilang kinatawan ng Cebu

Mar Rodriguez May 29, 2024
142 Views

Frasco1NASUNGKIT ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang “top performance rating” batay sa inilabas na resulta ng RP-Mission and Development (RPMD) Foundation para sa “job performance assessment” para sa mga miyembro ng Kamara de Representantes.

Sa isinagawang “Boses ng Bayan” job performance assessment ng RP-MD Foundation para sa mga kongresista, ibinatay nito ang kanilang survey alinsunod sa district representation ng mga mambabatas, legislative achievements, constituent services partikular na sa Central Visayas.

Sinabi ng RP-MD na matapos ang ginawa nilang survey at assessment, inilabas nila ang kanilang resulta o survey result para kauna-unang “Boses ng Bayan” quarterly survey para sa taong 2024 na naglalayong suriin o i-asses ang performance at effectiveness ng mga miyembro ng Kamara sa Central Visayas.

Alinsunod sa nasabing survey result, nangunguna at namamayagpag si Frasco bilang “top performing” congressman sa Central Visayas o kinatawan ng Cebu matapos siyang makakuha ng 90% rating batay sa kaniyang mahusay na paglilingkod o pagbibigay serbisyo sa kaniyang mga kababayan.

Dahil dito, labis naman nagpapasalamat ang House Deputy Speaker sapagkat unti-unti na aniyang nagbubunga ang mga pagsisikap nitong makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo para sa kaniyang mga constituients sa pamamagitan ng mga scholarship grants, pabahay at iba pang makabuluhang proyekto.

Kabilang din sa mga kongtresista at kinatwan mula sa Central Visayas na nakakuha ng mataas na performance rating ay sina Rep. Pablo Jonh Garcia ng Cebu 5th Dist. (90.3%), Rep. Emmarie Ouano-Dizon ng Mandaue City (90.1%) at Rep. Cindi Chan ng Lapu-Lapu City (89.9%).