Frasco1

Frasco pinangunahan ang sportsfest sa kaniyang distrito

Mar Rodriguez Jun 5, 2024
42 Views

Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang sportsfest sa kaniyang balwarte na tinaguriang “Cong. Duke Frasco 5th District’s Sports Cup 2024” na nilahukan ng 11 local government units (LGU) sa ika-kimang Distrito ng Cebu.

Ayon sa kongresista, ang ginanap na sportsfest sa kaniyang distrito ang pinakamalaking sports event sa lalawigan ng Cebu matapos itong lahukan ng tinatayang nasa 300 manlalaro o atleta habang ang inialok na cash prize para sa mga magwawagi ay umaabot ng P800,000.

Sinabi ni Frasco na layunin ng pinasimulan nitong sports event na maengganyo ang mga kabataang Pilipino na lumahok sa iba’t-ibang aspeto ng sports tulad ng basketball, volleyball, soccer, football at swimming.

Ipinaliwanag din ni Frasco na sa pamamagitan ng idinaos na sports event, hindi lamang nito iniiwas ang mga kabataang Pilipino sa tukso o buyo ng masasamang bisyo at barkada kundi, hinihubog din sila upang maging mahusay na manlalaro o atleta para sa darating na hinaharap.

Sabi pa ng House Deputy Speaker, ang pagdaraos nila ng sportsfest sa kaniyang distrito ay bahagi lamang ng kaniyang programa para matulungan ang mga Kabataan hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi para ihanda rin sila sa mga kahalintulad nitong sports event sa darating na panahon.

Ayon pa kay Frasco, sa pamamagitan ng ginanap na sports event. Posibleng makahubog ang lalawigan ng Cebu ng mahusay na basketball player na gaya ni Junmar Fajardo ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association (PBA), mahusay na swimmer o magaling na volleyball player.