BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Fully digitalized command center ng DMW bubuksan sa susunod na buwan
Peoples Taliba Editor
Oct 19, 2022
236
Views
SA susunod na buwan ay maipatutupad na umano ang fully digitalized command center ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ginawa ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople ang anunsyo kasabay ng pagtanggap ng ahensya ng mga electronic equipment na bigay ng International Organization for Migration (IOM) sa Blas Ople Building sa Mandaluyong City.
Ayon kay Ople malaki ang maitutulong ng mga donasyong equipment sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga overseas migrant workers at pagbabantay sa kanilang sitwasyon.
Isang kasunduan naman ang nilagdaan nina Ople at IOM Deputy Director-General Amy Pope para sa lalong pagpapalakas ng kooperasyon ng DMW at IOM para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers.