Gadon

Gadon sa CHED: Papanagutin tertiary schools na pinipilit mga estudyante dumalo sa rally ni Robredo

Nelo Javier Apr 21, 2022
240 Views

NANAWAGAN si senatorial candidate Larry Gadon sa Commission on Higher Education (CHED) na papanagutin ang mga pinuno ng paaralan sa bansa na pwersahang pinapadalo ang mga estudyante para dumalo sa mga campaign rally ni Leni Robredo.

Nagbigay ng reaksyon si Gadon matapos kumalat sa social media ang isang memorandum mula sa University of Cebu na inaatasan ang mga estudyante partikular ang kanilang mga kadete na kabilang sa ROTC na lumahok sa campaign rally ni Robredo sa Cebu nitong Huwebes (Abril 21) sa Mandaue.

“As part of crowd control skills competence of our ROTC students. All instructors and students are to report to the venue at the open space near park mall in Mandaue City from 12 noon onwards,” ayon sa memorandum na may lagda ni Atty. Dodelon Sabijon, dean ng College of Criminal Justice ng University of Cebu.

Giit ni Gadon hindi dapat pinupwersa ng mga paaralan ang kanilang mga estudyante na lumahok sa pampulitikang okasyon.

“Dapat silang managot, dapat silang papanagutin ng CHED. Bukod pa riyan na inilalagay nila sa alanganin ang mga estudyante dahil pa rin sa pandemya,” ani Gadon

Inaalisan din umano ng mga opisyal ng paaralan na makapag-desisyon ng sarili ang mga estudyante.

“Hindi nila hinahayaang makapag-desisyon ang mga estudyante ng sarili nila. Dapat hindi pwersahan ang pagpapapunta sa kanila,” sinabi pa ni Gadon.

Binatikos pa ni Gadon ang taktika ng “Pinklawan” na gumagamit ng mga estudyante para lamang mag-mukhang maraming tao ang dumadalo sa kanilang mga rally.

Kadalasan umano ay ginagamit nila ang mga lider ng paaralan para manghikayat sa mga estudyante na dumalo sa political rally gamit ang impluwensiya niya bilang bise presidente.

“Huwag nilang pwersahin ang mga estudyante. Ginagamit nilang hakot ang mga ito pamparami ng bilang. Dapat agad itong aksyunan ng CHED,” giit ni Gadon.