Leni1

Mga magulang nagalit; minors natutong manood ng porn sites dahil sa pekeng sex scandal ni Aika

Nelo Javier Apr 21, 2022
222 Views

MARAMING magulang ang nagagalit ngayon kay Leni Robredo dahil sa ipinakalat nitong balita na may sex scandal diumano ang anak nitong Aika.

Ang resulta, lahat ng mga estudyanteng hinihikayat nilang sumali sa kanilang ‘dilawan concert rally’ ay naku-curios tuloy para hanapin ang sinasabing sex scandal na wala naman talaga , dahil sila lang naman ang nag-imbento nito.

Para sa pedicab driver na si Ambo Nicolas ng Tondo, Manila, nahuli niya ang anak niyang nagbubukas ng pornsite sa cellular phone nilang mag-asawa.

“Kahit ako hindi ko alam kung ano porn site na iyon. Pornhub yata iyon. Nang kumprontahin namin ni misis, sabi ng anak ko gusto lang daw niya makita ang sex scandal ni Leni Robredo,” sabi pa ni Nicolas.

Maging ang mga porn site na RedTube, YouPorn, Xtube, etc. ay tumaas din ang mga engagements at clicks dahil madalas ding binubuksan ngayon ng mga kabataan.

Ang masaklap, ayon pa sa mga nagrereklamong magulang, hindi naman ma-curios ang kanilang mga anak, pero dahil sa mga dilawan, natuto silang manood ng porn ngayon.

Isang negosyante na ang anak ay nag-aaral sa exclusive school for girls ang nahuli rin nitong nagbubukas ng pornsite.

“Ang problema dahil walang makitang sex scandal ni Aika Robredo, ibang porn movies na ang pinapanood,” sabi ni Teresa Hilario ng Makati City.

“Isipin n’yo, mga madre at pari ang naghihikayat sa mga anak natin para manood ng concert rally ni Leni. Kahit mga minors pa sila ay sinasabak sa pulitika tapos isa sa ita-topic nila ay tungkol sa sex scandal na anak ng ng isang babaing vice-president ng Pilipinas,” sabi ni Chito Legaspi na nagta-trabaho sa isang banko.

“Tapos magse-sermon ang pari na huwag iboto ang masasama at magnanakaw, eh sila ba hindi ba nila ninanakaw at pinasasama ang murang isipan ng ating mga anak,” dagdag niya.

Anila, ang nakakainis pa sa fake news na ipinakalat ng Robredo camp ay wala naman talagang sex scandal si Aika Robredo.

Idinagdag nila na gusto lamang magpaawa ng mga dilawan para makakuha ng simpatiya sa taumbayan na biktima sila ng fake news pero sa totoo lang ay sila talaga ang gumagawa ng walang katapusang paninira at fake news.

“Ang nakita namin hindi sex scandal ni Aika kundi iyong pagma-masturbate ni Jim Paredes na isa ring dilawan,” sabi naman ni Kiko Mogato ng Taytay, Rizal.