sara Nangungunang VP candidate, Davao City Mayor Sara Duterte Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara namayagpag sa OCTA Research survey

121 Views

NAKUHA ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mahigit sa kalahati ng mga boto sa pagkabise presidente, batay sa survey ng OCTA Research.

Sa survey na isinagawa mula Abril 2-6, nakapagtala si Duterte ng 57 porsyento. Nanguna ang alkalde sa lahat ng rehiyon sa bansa at sa lahat ng socio-economic class.

Nakapagtala naman si Senate President Tito Sotto III ng 23 porsyento na kahit doblehin ay hindi aabot sa voter preference ni Duterte.

Pumangatlo naman si Sen. Kiko Pangilinan na nakakuha ng 12 porsyento at sinundan ni Dr. Willie Ong na may 7 porsyento.

Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng mas mababa sa isang porsyento.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondent at mayroon itong margin of error