Gaerlan

Gaerlan itinalagang AFP deputy chief of staff ni PBBM

467 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang Deputy chief of staff ng Armed Forces of Philippines, ang ikatlong pinakamataas na opisyal.

Isang seremonya ang isinagawa sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo para sa pagpasok ni Gaerlan sa kanyang bagong puwesto.

Pinalitan ni Gaerlan si Lieutenant General William Gonzales na naging AFP Inspector General noong Marso 15 matapos na magretiro si AFP deputy chief of staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes.

Si Gaerlan ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989.