Garin

Garin: Fuel crisis ad hoc committee itinatag ng Kongreso vs price hikes

Mar Rodriguez Mar 7, 2022
469 Views

BUNSOD nang unti-unting lumulobong presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa bansa na nag-ugat sa sumisidhing digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Kumilos na ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para maibsan ang matinding epekto ng “oil Price hike” na inaasahang lalong magpapahirap sa publiko.

Dahil dito, sinabi ng isang Party List lady solon na itinatag ng Kamara de Representantes ang Fuel Crisis Ad-Hoc Committee sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco upang matulungan ang publiko laban sa matinding epekto ng “oil price hike”.

Binigyang diin ni AAMBIS-Owa Party List Rep. Sharon Garin na ang pangunahing tatamaan o maaapektuhan ng pagtaas sa presyo ng langis at gasoline ay ang sector ng transportasyon partikular na ang ating ekonomiya bunsod ng tinatawag na “domino effect”.

“This assembly is critical because no one is spared from the effects of the continuous price hikes of fuel. The rising prices of domestic petroleum will have a direct effect on our economy stability,” ayon kay Garin.

Ipinaliwanag pa ni Garin na bagama’t tiniyak ng Department of Energy (DoE) na hindi magkakaroon ng “direct impact” sa bansa ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine hinggil sa supply ng gasoline.

Subalit sinabi ng Lady solon na mahalaga parin na ang makapag-balangkas ng mga solusyon ang Kongreso upang maibsan ang matinding epekto ng “oil price hike” para sa mga Pilipino.

“I know the Department of Energy (DoE) has assured us that the conflict between Russia and Ukraine will have no direct impact on our nation’s supply. Nonetheless, the purpose of this is to work towards a feasible solution to help cushion the impact of this crisis,” dagdag pa nito.

Ang isa sa mga hakbang at inisyatiba na pinag-iisipan ng mga Kongresista nilang gawin para makatulong sa ating mga kababayan ay ang pagkakaroon ng mga programang tulad ng Pantawid Pasada Program, Direct Cash Subsidy Program sa ilalim ng programang “Bayanihan to Recover” at ang pagpapatupad ng diskuwento sa presyo ng gasolina.