Garma

Garma hindi pinapasok sa US,hanggang SF lang

Chona Yu Nov 12, 2024
67 Views

PINIGIL ng mga awtoridad sa Amerika si dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager at retired police Colonel Royina Garma.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinbai ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na noong Nobyembre 10 sakay ng PR 104 flight patungo sa San Francisco sa Amerika.

Kasama ni Garma ang anak na si Angelica Garma Vilela.

Ayon kay Remulla, walang hold departure order at walang kaso si Garma kung kaya maaring lumabas ng bansa ang dating opisyal.

Gayunman, dahil kinansela na ng Amerika ang visa ni Garma, hindi na ito pinapasok pagdating sa San Francisco.

Ayon kay Remulla, pinoproseso na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mag-inang Garma.

Darating sa bansa ang mag-inang Garma sa Nobyembre 13 at agad na idi-diretso sa Senado dahil isa siyang witness.

Hindi naman matukoy ni Remulla kung bakit kasamang kinansela ang visa ng anak ni Garma.

Iniimbestigahan si Garma sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.