Calendar
Gary: Mas grabe ang intriga sa pulitika
AKTIBONG muli sa pag-aartista si Gary Estrada.
Pumirma siya bilang bahagi ng Sparkle artists ng GMA. Nangangahulugan lamang na lalong darami ang kanyang acting projects ngayon.
May panahong naging mas aktibo siya sa pulitika. Naging board member siya sa Quezon province (kung saan siya may hacienda sa bayan ng San Antonio). Sinubukan niyang kumandidato bilang vice governor ng naturang probinsiya, pero hindi siya pinalad.
Ayon kay Gary, mas grabe raw ang intriga sa pulitika.
“Kung ito lang (sumenyas sa kamay) ang intriga sa pag-aartista, doon sa pulitika babaliktad talaga ang sikmura mo,” ani Gary. “Kahit gaano kalaki ang nagawa mong serbisyo sa tao, parang kulang pa rin.”
Pero agad namang nilinaw ng Kapuso actor na hindi iyon ang major reason kung bakit nagdesisyon siyang mag-quit (muna) sa politics.
“No. I guess it’s not the right time,” sabi ng husband ng aktres na si Bernadette
Sa tanong ni Boy Abunda sa kanyang programa sa GMA7 kung may balak pa ba siyang bumalik sa pulitika, ayon kay Gary ay hindi pa siya makapagdedesisyon sa ngayon.
Aniya, masaya naman siya kung saan siya naroon ngayon at nag-eenjoy siya uli sa pag-arte lalo na ngayon na isa na siyang certified Kapuso.
At may mga pangarap siyang gustong matupad ngayon.
Kung mabibigyan ng chance, gusto niyang makasama sa mga susunod niyang projects ang mga anak niyang aktor na rin na sina Rob Gomez at Kiko Estarda.
Si Kiko ay anak ni Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz habang si Rob ay anak niya sa former actress ding si Kate Gomez.
Tatlong magagandang babae naman ang anak nila ni Bernadette.