Calendar
Gas bababa ng 85 cents/litro; diesel 75 cents/litro
MAGMUMURA ng 85 sentimos kada litro ang gasolina, 75 sentimos kada litro sa diesel at 90 sentimos kada litro ng kerosene simula alas-6:01 sa Nobyembre 19.
Ganito ang price adjustment base sa anunsiyo ng Petron Corporation, Chevron Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, Flying V, PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum at Jetti Oil.
Simula alas-12:01 ng madaling araw ng Martes ang simula ng price adjustment ng Clean Fuel.
Una ng inihayag ni PTT Philippines media relations chief Jay Julian na ibinatay ng Department of Energy (DOE) ang pagtatapyas sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan bunga ng pananaw ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ng mababang demand o ng langis sa pandaigdigang pamilihan.