Sports on air

General’s daughters bibida sa Sports On Air

Robert Andaya Mar 23, 2022
365 Views

MGA natatanging kababaihan sa sports ang magiging tampok sa usapan sa 14th “Sports On Air” vodcast ngayong Biyernes, March 25.

Pangungunahan nina Karen Tanchanco- Caballero ng Pilipinas Sepaktakraw Federation at Pearl Managuelod ng Muaythai Association of the Philippines ang magiging usapan tungkol sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, gayundin ang tagumpay ng mga kababaihang atleta sa mga nakalipas na taon.
Ang pagbisita nina Tanchanco- Caballero at Managuelod, na tinatawag ding mga “General’s Daughters” sa sports community, ay bahagi pa din ng pagdiriwang ng “Women’s Month”.

Ang forum ay magsisimula ng 10:30 a.m.

Ito ang ika 14th episode ng “Sports on Air Weekly”, ang pinakabago at pinakamainit na sports program na pinamamahalaan nina Ed Andaya ng People’s Tonight, Ernest Leo Hernandez ng SOA,

Gerard Arce ng Bulgar, Ivan Saldajeno ng Philippine News Agency at Gab Ferreras ng Sports Corner. PH.

Ang mga dating naging panauhin na sa “Sports on Air” ay sina Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial at Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico

Puentevella nung Jan. 14; Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra at Philippine Olympic Committee (POC) chairman Steve Hontiveros nung Jan. 21; Philippine Sports Commission (PSC) commissioner at SEA Games chef de mission Ramon Fernandez nung Jan. 28;

Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Reli de Leon at PBA coaches Ariel Vanguardia ng Blackwater, Chris Gavina ng Rain or Shine at Rensy Bajar ng NorthPort nung Feb. 4;

Pilipinas Super League officials Ricky Chan, Ray Alao at Marc Pingris nung Feb. 11; former POC president Cristy Ramos nung Feb. 12; boxing champion Vincent Astrolabio at coach Nonoy Neri nung Feb. 17; Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar at Kurash Sports Federation head Rolan Llamas nung Feb. 18; at Wushu Federation president Freddie Jalasco,

Philippne Judo Federation secretary-general David Carter at Samahang Kickboxing ng Pilipinas secretary-general Wharton Chan nung Feb. 25; at

Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ed Picson, archery coach Clint Sayo at Philippine ESports Organization secretary general Joebert Yu nung March 4; PSC commissioner Celia Kiram nung March 11; boxing champion Narj Guro, muaythai hero Philip Delarmino at triathlon winner Claire Adorna nung March 18; at four-time world bowling champion Bong Coo nung March 19.