azkals Neil Etheridge: Handa na. Contributed photo

Azkals sasabak sa Tri-Nations

Theodore Jurado Mar 22, 2022
205 Views

DUMATING ang Philippine Azkals sa Singapore Lunes ng gabi upang sumabak sa Tri-Nations friendly series.

Isa si goalkeeper Neil Etheridge ng English football second-tier Birmingham City sa 25 players na nakakuha ng call up upang kumatawan sa Philippines para sa Singapore international friendlies.

Maraming young standouts na nasa koponan, inaabangan ni Etheridge ang kanyang role upang gabayan sila bilang isa sa mga experienced players.

Si Etheridge ay nag-cap ng 45 beses para sa bansa, kung saan magbabalik siya sa koponan makaraan hindi makapaglaro sa AFF Suzuki Cup noong December.

“It’s great to be back with the team. Great to see them. Great to see new faces as well,” sabi ng 32-anyos na si Etheridge.

“As a senior, the players will be look up for me. It will be a different challenge.”

Haharapin ng Azkals ang Malaysia ngayon at ang Singapore sa Sabado, na parehong gaganapin sa Singapore National Stadium.

Para sa Blues, gumawa si Etheridge ng dalawang clean sheets sa huling tatlong Sky Bet Championship matches.