Bataan

Rep. Nisay bumisita sa BPSU, nakipagdiyalogo sa mga estudyante

Christian Supnad Nov 3, 2026
229 Views

BALANGA CITY, Bataan– Pinasalamatan ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa pangunguna ni Dr. Ruby B. Santos-Matibag, BPSU president, si Rep. Jett Nisay ng Pusong Pinoy Party-list matapos bumisita sa BPSU-Balanga campus.

Layunin ng pagbisita ni 𝗡𝗶𝘀𝗮𝘆 ang inspeksiyunin ang mga pasilidad, partikular ang 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 (𝗕𝗬𝗖).

Kasama sa pagbisita ng solon sina 𝗗𝗿. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀-𝗠𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝗴; 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗚. 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿𝗮, Vice President for Administration; 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗦𝗶𝘀𝗲𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗝𝗿. 𝗖. 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗰𝗮𝗽, Campus Director; 𝗔𝗿. 𝗔𝗹𝘃𝗶𝗻 𝗥𝗲𝗻𝗲 𝗢. 𝗕𝗲𝗿𝗻𝗮𝗿𝗱𝗼, Director ng Physical Plant and Engineering Services (PPES) Office; 𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻𝗼 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀, PPES Campus Chairperson; 𝗗𝗿. 𝗟𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗧. 𝗢𝗹𝘂𝗯𝗶𝗮, Dean ng College of Education; 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗠𝗮. 𝗙𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮 𝗕. 𝗕𝗮𝗰𝗮𝗹𝗮, Dean ng College of Social and Behavioral Sciences; at mga kinatawan ng 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa ilalim ni District Engr. Roland Rainier Victorino.

Ayon sa pahayag, nakipagpulong din ang Campus Student Government-Balanga Campus kay Nisay upang iparating ang mga kailangan ng mga estudyante, gaya ng budget, at iba pang pangangailan ng BPSU.

Ang BPSU ay may mahigit 10,000 na estudyante sa anim na campus nito sa Bataan.