Shabu

P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte

Christian Supnad Nov 3, 2026
418 Views

NASAMSAM ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations Unit 3 (SOU 3), sa ilalim ni Lt. Col. Rommel Labalan, ang P341,700 na shabu noong Lunes sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan, at nakahuli pa ng hinihinalang drug pusher.

Ang anti-illegal drug operation ay pinangunahan ni Lt. Joven Bartolome na nagresulta sa pagkakadakip ng high-value individual.

Ayon kay Labalan, ang naturang operation ay isinagawa sa koordinasyon ng San Jose Del Monte City Police Station, IMEG Region 3 at PDEA Region 3.