Laguna

6,000 kriminal lagas sa CALABARZON

183 Views

Laguna1Halloween3Batangas2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Pumalo sa mahigit 6,000 kriminal at wanted person ang nasalikop at ikinulong ng Police Regional Office 4A (PRO-4A) sa buong buwan ng Oktubre 2026, ayon kay PRO-4A Regional Director PBGen. Dominic Baccay.

Base sa Monthly Accomplishment Report ng PRO-4A, nagsagawa ng 901 anti-drug operations at 1,118 drug suspect ang swak sa rehas na bakal.

Nasamsam sa kanila ang P19.7 milyong halaga ng ilegal na droga, kabilang ang halos 2.9 kilo ng shabu, higit 172 gramo ng marijuana, at kush.

Hindi rin nakaligtas ang mga illegal gambler matapos ikasa ang 2,038 operasyon kung saan 4,419 sugalero ang kalaboso at narekober ang halagang P613,196, at narekober rin at naisuko ang 441 loose firearms o mga baril na walang papel mula sa 255 na operasyon, kung saan 140 katao ang inaresto.

Tiklo rin ang 476 Most Wanted Persons at 832 iba pang wanted persons na may mga nakabinbing warrant of arrest mula sa