Pic3 Nagsagawa ng fumigation ang mga kawani ng fumigation team ng City Health Office ng City of General Trias para matigil ang pagtaas ng kaso ng dengue nitong, October 22, 2024. Kuha ni DENNIS ABRINA

GenTri pinaigting kampanya kontra dengue

Dennis Abrina Oct 23, 2024
104 Views

Pic4Pic5Pic6Pic7PATULOY ang pagsisikap ng local government dito sa pamumuno ni Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV at ng buong City Health Office – General Trias kasama ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa pagtugon sa tumataas na kaso ng dengue sa komunidad.

Nagsasagawa sila ng fumigation and misting sa mga lugar na may naitalang kaso. Binigyang-diin nila na ang paglilinis at search and destroy ng mga mosquito breeding sites ay napakahalaga upang mapababa ang mga kaso ng dengue sa lugar.

Nag-abiso din ang local City Health Office na huwag kalimutang inspeksyunin ang mga timba, lumang gulong, alulod, lata, at iba pang maaaring pangitlugan ng lamok.

Patuloy ring nakipag-ugnayan sa mga focal persons ng bawat Homeowners Association upang paigtingin ang anti-dengue drive kasabay ng isinasagawang fogging operations ng CHO Fumigator Team.

Nagpaalala din si Dr. Jonathan Luseco, City Health Office Head na kung nakakaramdam ng mga senyales ng dengue katulad ng matagal na lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka, o rashes sa balat, agad magpakonsulta sa pinakamalapit na healthcare facility upang maagapan ito.

Sa mga nakalipas na araw, nakapag-conduct na ang Fumigation Team sa Dream Homes sa Barangay San Juan 2; Mary Cris, Pasong Camachile 2; South Square, Pasong Kawayan 2; Purok 1, Pinagtipunan; Crystal Aire, Barangay San Francisco; Lavanya, Bacao 2; Purok 2 Barangay Santiago; San Isidro in Barangay Javalera and Heneral Uno sa Barangay Pasong Kawayan 2.

Nagsasagawa din ng Community Assembly on Dengue Awareness ang CESU katuwang ang mga barangay health workers sa 33 villages sa lungsod.