Calendar

GF ni JK na si Dia Mate wagi bilang Reina Hispanoamericana 2025


WAGI bilang Reina Hispanoamericana 2025 ang Philippine bet na si Dia Mate sa katatapos lamang na grand coronation night sa Santa Cruz, Bolivia.
Tinalo ng singer-songwriter ang 24 iba pang kandidata na rumampa sa naturang international beauty pageant.
Si Dia ang ikalawang Pinay na nanalo sa naturang pageant na unang naiuwi ni Winwyn Marquez noong 2017.
Siya ang uupo sa trono ni Reina Hispanoamericana 2024 Maricielo Gamarra mula sa Peru.
Si Dia ay girlfriend ng actor-singer na si Juan Karlos Labajo. Lubhang na-impress ang judges sa sagot ni Dia sa tanong na, “What value do you think is the most important to our society, and why do you think this is important?”
Ani Dia: “I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially I am not Latino.
“And the most beautiful thing I’ve noticed is that even though we don’t speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God.
“And I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all,” buong tugon ni Dia.
Sumali rin si Dia sa Miss World Philippines noong2024. Una siyang sumabak sa Miss Universe Philippines 2024 pero hindi siya pinalad.
Ang Reina Hispanoamericana ay itinatag noong 1991bilang Reina Sudamerica at mga bansa lamang sa South America ang maaring lumahok. Pero noong 2004, isinali ng mga organiser ang mga bansa sa Central America.
Noong 2007, ginawas itong Reina Hispanoamericana at noong 2017, inimbita na rin ng mga organizer ang Pilipinas
Samantala, proud na proud ang singer actor na si JK at sa kanyang Instagram account, binatgi niya ang kasintahan,
“Congratulations, baby!” maikli pero punumpuno ng pride at pagmamahal ang caption ni JK.
Bago sumabak si Dia sa Reina Hispanoamericana 2025 pageant, nag-post naman ito ng birthday message para kay JK. Tinawag niya itong “greatest love.”
“Happiest birthday to my best friend and my greatest love. You deserve the world and more,” ang mensahe ni Dia kay JK.
Sana all.