Ghost Ghost nagparamdan sa PHILRACOM Triple Crown Stakes Race.

Ghost nagpa-ramdam sa MMTC

233 Views

NAGPAKITANG gilas ang premyadong kabayo na si Ghost upang madomina ang first leg ng 2024 PHILRACOM Triple Crown Stakes Race, na ginanap sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas, nung May 19.

Sa patnubay ni ace jockey J. A. Guce, kumawala sa huling 100 meters si Ghost para masungkit ang first place sa naturang pinakaaabangang karera.

Ito ang pinakabagong panalo para sa SC Stockfarm Inc., ang owner-breeder ng Ghost, sa pakikipag-tulungan kay top trainer Ruben S.Tupas.

Ang quarter times ay 25′ 24 24 28′.

Pumangalawa si Bea Bell, na nagmula sa Bell Racing Stable, at sinakyan si jockey JB Hernandez at ginabayan ni trainer Donato S. Sordan.

Kinumpleto ang winners’ circle ni Batang Manda, na nagtapos sa third place

sakay si jockey PR Dilema.

Ang owner- breeder ng Batang Manda ay si DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. habang ang trainer ay si Claudio C. Angeles.

Isa pang champion entry ni Sec. Abalos — Wolfthreefivenine — ang nagwagi din sa 3YO Locally Bred Stakes Race.

Si Wolfthreefivenine, na sinanay din ni Angeles, ay sinakyan naman ni jockey PR Dilema.

Sa Hopeful Stakes Race, namayani si Amazing na sinakyan ni jockey JA Guce at nagmula din sa SC Stockfarm Inc., sa patnubay ni Ruben S. Tupas.

Bukod kay Sec. Abalos, dumalo din si dating Makati Mayor Jun-jun Binay at ang bayang karerista sa naturang racing festival sa MMTCI sa Batangas.