Gibo

Gibo itinalagang DND chief

153 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Gilberto Teodoro Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND).

Si Teodoro ay dati ng naging kalihim ng DND noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Siya ay naging kinatawan ng Tarlac sa Kamara de Representantes ng tatlong termino.

Nagtapos si Teodoro ng Bachelor’s degree in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University – Manila.

Si Teodoro ay nagtapos ng law sa University of the Philippines. Siya ay nag-top sa 1989 Philippine Bar Examinations.

Kumuha rin siya ng Master’s degree in Law sa Harvard University.