Calendar
Gil Aducal Morales na kilalang Ate Gay pumanaw na, 55
KINUMPIRMA ng pamilya ang pagpanaw ni Gil Aducal Morales, na mas kilala bilang Ate Gay, nitong Linggo, Nobyembre 1, 2026. Siya ay 55 taong gulang.
Sa pahayag na inilabas ng pamilya, pumanaw si Ate Gay matapos ang matapang na pakikipaglaban para sa kaniyang buhay habang napalilibutan ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Nagpasalamat din ang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng panalangin, pagmamahal, tulong pinansyal at suporta sa panahon ng kaniyang pakikipaglaban sa karamdaman.
“During this difficult time, our family would like to express our deepest gratitude to everyone who extended their prayers, love, financial assistance, and unwavering support throughout his battle.
Your kindness and generosity have meant so much to our family,” pahayag ng pamilya.
Hiniling naman nila ang patuloy na panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Ate Gay at lakas para sa mga naulila. Hindi pa inilalabas ang detalye ng kaniyang burol at libing, na iaanunsiyo umano sa mga susunod na araw.
