Klarisse Larawan: Klarisse de Guzman/IG

Ina ng Kapamilya singer sumakabilang buhay ba

22 Views

NAGDADALAMHATI ngayon ang Kapamilya singer na si Klarisse de Guzman matapos pumanaw ang kanyang ina na si Esnobie de Guzman.

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, Oktubre 24, ibinahagi ni Klarisse ang isang black-and-white na larawan ng kanyang ina na nakahiga sa hospital bed, kalakip ang emosyonal na mensahe para sa kanyang mga magulang.

“Mahal na mahal kita, Mama ko. Iyakap mo na lang ako kay Papa ah. Mahal na mahal ko kayo,” saad ng singer.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kapwa artista at kaibigan ni Klarisse, kabilang sina Shuvee Etrata, Brent Manalo, Will Ashley, Mikha Lim, Esnyr, Donny Pangilinan, Kira Balinger at Josh Ford.

Nagpaabot din ng dasal at suporta ang iba pang personalidad at netizens para sa singer at kanyang pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Hindi naman binanggit ni Klarisse sa kanyang post ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina.