Gillian

Gillian sa kabila ng kontrobersya, handang-handa na sa 2024  

Eugene Asis Feb 9, 2024
161 Views

Gillian GillianMULA sa paggawa ng commercials, pagsailalim sa VTRs and auditions, nagbubunga na ang mga paghihirap ni Gillian Vicencio.

Una siyang napanood sa pelikulang ‘Eerie’ na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos.  Siya ang gumanap bilang si Erika Sayco, ang batang nagmumulto sa eskwelehan kung saan umikot ang kwento ng pelikula, Agad itong nasundan ng isa pang horror film, amh ‘Hellcome Home’ kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.

Nakabilang si Gillian sa Starmagic Batch 2019 na inilunsad kasabay sina Belle Mariano, Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara at Kyle Echarri. Kalaunan ay ipinasok siya bilang isa sa orihinal na artistang inalagaan ng Rise Artists Studio sa pangangalaga ni Mico Del Rosario under Star Creatives.

Naging malaking dagok sa Kapamilya Network ang hindi pagbibigay ng gobyerno ng prangkisa, Kwento ni Gillian “Siyempre po, natakot ako, kasi kapipirma lang namin ng kontrata tapos ganun yung nangyari. Pero binigyan naman kami ng assurance ng management na hindi nila kami pababayaan. Nagkaroon kami ng digital shows tulad ng We Rise Together Live everyday kung saan nahasa kami sa hosting at naipapakilala namin ang mga sarili namin.”

Biggest break niyang maituturing ang pelikulang ‘Four  Sisters and a Wedding’ kung saan nakasama niya sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Belle Mariano. Prequel ito ng pelikulang may ganito ring pamagat. Siya ang gumanap bilang si Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin. Sa kabila ng pandemya ay nagkaroon ito ng screening onl;ine.  Marami ang nakapansin na very versatile at may husay siya sa larangan ng pag arte.   Nagkasunud-sunod ang kanyang projects na inabangan at sinubaybayan din ng mga fans,

Kasunod niyang pelikula ang ‘Kargo’ na nanguna noong January 6, 2023 sa Netflix. Nakipagsabayan siya kahit baguhan sa veteran actress na si Rio Locsin. At nasundan ito ng isang digital series na ‘Hello Stranger’ bilang girlfriend ng karakter ni  Tony Labrusca.

Pero mas minahal at nakilala si Gillian sa ‘2Good2BTrue’ kung saan gumanap siya bilang boyish friend as Tox nina Matt Evans, and Yves Flores na mga malalapit na kaibigan ng character ni Daniel Padilla as Eloy. Dito nakitaan ng kilig ang tambalan nila ni Yves (Red) at nabuo ang ReTox loveteam. Matapos ang serye ay nasundan ang proyekto nilang dalawa na Retox 2Be Continued na inabangan ng mga tagahanga.

Pero hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging very challenging ang pagtatapos ng 2023 para kay Gillian matapos siyang madawit sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nagulat siya sa  nangyari pero mas pinili niyang ipagpatuloy na lang ang mga trabaho at ituon ang atensyon sa mga bagay na mas makakapagpanatili ng kanyang peace of mind. Sa kabila nito ay nanatili siyang positive sa tulong ng kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz. Natutunan ng actress na magsalita ka man o hindi, may masasabi at masasabi pa rin ang mga tao. Basta ang alam niya, wala itong katotohanan.

Kaya ngayong 20924, minabuti niyang ituon ang enerhiya sa positive na ganap sa kanyang karera.  Sa unang buwan pa lang ng taon, sunud-sunod na ang mga project na kanyang natatanggap. Nakasama siya sa matagumpay na stage play, ang ‘Kumprontasyon’ na nagkaroon ng successful run noong Enero 18,19,20 and 21 sa Peta Theater.   Sumunod naman ay ang magandang blessing sa kanya nang i-welcome siya bilang isa sa Beautederm Babies ng CEO and founder ng Beautederm na si Rhei Anicoche Tan.

Kabilang din siya sa mga makakasama sa newest Filipino adaptation ng isang Korean drama, ang ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’ na pagbibidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU.  Hindi dito sa mga TV project natatapos ang magagandang break na ibinibigay skay Gillian dahil may mga upcoming movie pa siya.

Makikitang ilang hakbang na lang at kikilalanin na si Gillian bilang isa sa malalaking artista ng local showbusiness.