Rewind

‘Rewind’ ng DongYan, kinilala bilang all-time highest grossing Filipino film worldwide, mapapanood sa unang MIFF sa LA

Eugene Asis Jan 28, 2024
47 Views

PATULOY pa ring tinatangkilik saan mang sulok ng mundo ang family-drama hit ng tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera na “Rewind,” matapos itong tanghalin bilang all-time highest-grossing Filipino film worldwide, na tumabo ng higit P889 million sales sa Pinas at abroad.

Bago nito, naging usap-usapan din ng publiko ang “Rewind” nang maungusan ang kapwa Star Cinema blockbuster hits na “Hello, Love, Goodbye” at “The Hows of Us” bilang highest-grossing film sa Pinoy box-office.

Samantala, umaariba pa rin ngayon ang showing ng “Rewind” na ngayo’y nasa ika-5 linggo na at napapanood sa mahigit 270 na sinehan hindi lang sa Pinas, kundi pati na rin sa UAE, USA, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam, at Saipan. Malapit na rin itong mapanood sa Hong Kong.

Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at co-produced ng APT Entertainment pati Agosto Dos Pictures, ang “Rewind” ay ang opisyal na entry ng Star Cinema sa nagdaang 2023 Metro Manila Film Festival.

Samantala, mapapanood din ito sa unang Manila International Film Festival na gaganapin sa Los Angeles, California simula bukas sa TCL Chinese Theater at Directors Guild of America kasama ang iba pang mga kalahok sa nakaraang Metro Manila Films Festival.

Para sa updates tungkol sa iba pang Kapamilya films, i-follow ang ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.