Calendar
Gina de Venecia, 15 iba pa mula Pangasinan bagong mga miyembro ng Lakas-CMD
PATULOY ang pagdami ng miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats matapos umanib ang mga lokal na opisyal at mga lider sa pilitika mula ika apat na distrito ng Pangasinan kasunod nv kanilang panunumpa bilang bagong miyembro ng partidoniyong Miyerkules.
Nanguna sa mga bagong miyembro ng Lakas-CMD, na siyang pinakamalaking partido sa Kamara de Representantes si dating Rep. Ma. Georgina “Gina” De Venecia, may-bahay ni dating House Speaker Jose De Venecia, Jr. at Co-chairperson Emeritus ng Lakas-CMD.
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD party, ang panunumpa ni dating Rep. De Venecia at 15 iba pa mula sa ika apat na distrito ng Pangasinan sa isang simpleng seremonya sa Social Hall ng tanggapan ng House Speaker.
Nagsilbi siyang miyembro ng Kamara bilan g kinatawan ng ika apat na distrito ng Pangasinan mula 2010 hanggang 2016.
“We are truly grateful to welcome all of you to our party, especially our beloved ‘Manay Gina’ as she is fondly called, who is not only a respected figure in her own right but also the spouse of our esteemed Co-chairman Emeritus,” sabi ni Speaker Romualdez.
Kasama ni Gng. De Venecia ang asawa nitong si dating Speaker De Venecia at kanilang anak na si Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia.
“We look forward to working closely with you as we continue to champion the values of integrity, service, and progress that Lakas-CMD holds dear and to support the vision of President Ferdinand R. Marcos, Jr. for socioeconomic transformation towards a prosperous, inclusive, and resilient society,” dagdag niya.
Kabilang din sa mga bagong miyembro ng partido mula sa munisipalidad ng San Fabian sina Mayor Marlyn Agbayani at Councilors Hercules Magliba, Errol Sison, Rolando Pedralvez, Marieta Cuaresma, Chelsea Narvasa, at Kimberly Bandarlipe
Nanumpa rin sina San Jacinto Mayor Leo de Vera, Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, along with Winston L. Chutan, Eduardo E. Paraan, Nemo S. de Vera, Pedro F. Palaganas, Merlinda M. Tantay, Arnold L. Saragoza.
Sinaksihan naman nina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Agusan Del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino at Rep. Ramon Guico, Jr. at iba pang lider ng partido ang panunumpa.