Calendar
Ginahasa ng China ang Pilipinas sa tulong ng mga Pilipinong kakampi nila — Barbers
“ANG mga Pilipino rin na kumakampi sa mga Intsik ang tumulong para gahasain ng husto ng China ang Pilipinas”.
Ito ang ipinahayag ng lead Chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace S. Barbers sa kaniyang opening statement kaugnay sa pagtatapos ng public hearing ng Komite sa mga isyung inimbestigahan nito.
Ayon kay Barbers, naging mapangahas umano ang panghihimasok ng China sa mga affairs ng Pilipinas partikular na sa usapin ng paglganap ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil narin sa pakikipag-sabwatan ng ilang Pilipinong kakampi nila.
Pagbibigay diin ng kongresista na masyadong namayagpag ang mga Intsik sa ating bansa dahil narin sa lantarang pakikipag-sabwatan ng ilang Pilipino at mga opisyal ng gobyerno sa China na mistulang ginahasa nila ang Pilipinas. “The Chinese rapes us but we helped them rape us”.
“Bayan ko, binihag ka. Nasadlak sa dusa. Ang ilang mga Pilipino na rin ang naging dahilan para gahasain ng China ang ating bansa,” sabi nito.
Sinabi pa ni Barbers na ang mga katagang pagta-traydor at pagtataksil sa bayan ay hindi sapat upang mailarawan ang ginawang pakikipag-sabwatan ng ilang kababayan natin pati narin ang mga opisyal ng gobyerno para maghari-harian ang China sa Pilipinas.
“The words betrayal, traitors, unpatriotic are not enough to describe the despicable, wicked and perhaps even evil acts of collaboration that some of our leaders elected officials and civil servants extended to these criminals, Ito’y kasuklam-suklam,” ayon pa kay Barbers.
Binatikos din ni Barbers ang pagpapalabas ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Executive Order (EO) No. 13 kung saan pinahihintulan nito ang pag-operate ng POGO sa bansa na naging dahilan naman upang mas lalo pang lumaganap ang operasyon nito na nakakubli sa di-umano’y pagpapaunlad ng ekonomiya.