Ginang Kinilala ng pulisya ang biktima matapos ang aksidente. JONJON C. REYES

Ginang nabundol ng sasakyan habang tumatawid, patay agad

Jon-jon Reyes May 1, 2026
23 Views

Ginang1Ginang2Ginang3Ginang4Ginang5DEAD on spot ang isang babae na tumatawid sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 matapos masalpok ng isang sasakyan sa kanto ng Pacheco St. sa Tondo, Manila Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Lorie,’ nasa hustong gulang, may asawa at huling nanirahan sa 108 Lacson St., Tondo.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 7:55 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Ayon sa salaysay na ibinigay kay Police Capt Joel Aquino, chief ng Vihecular Investigation Section ng Manila Traffic Enforcement Unit, binabaybay ng isang Toyota Rush (NDL 2641) na minamaneho ni alyas ‘John Steven’, nakatira sa Silverio Compound, Brgy. San Isidro Parañaque City, ang northbound lane ng Mel Lopez Boulevard,sa Tondo, nang mabangga ang biktima paglampas ng Pacheco Street.

Tumilapon ng ilang metro at napadpad sa semento ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.