Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Fan

Ginang nalapnos kamay, paa matapos sumabog ang handheld fan na china-charge

Edd Reyes Apr 11, 2026
119 Views

Fan1

NALAPNOS ang kamay at paa ng isang ginang nang damputin ang lumiliyab na mini fan matapos sumabog habang naka-charge sa ulunan ng kanilang higaan noong Huwebes ng umaga sa Caloocan City.

Nahagip pa sa kuha ng CCTV ang biglang pagsabog ng naka-charge na hand held mini fan sa ulunang bahagi ng higaan ng ginang sa silid ng kanilang bahay sa Barangay 34, Maypajo sa naturang lungsod.

Napag-alaman na bukod sa ginang, may tatlo pa siyang kasama sa silid, nang biglang sumabog at lumiyab ang naka-charge na mini fan dakong alas-5:20 ng umaga.

Hindi naman nasiraan ng loob si Jinky at kaagad binunot ang charger, dinampot ang lumiliyab na mini fan, at ibinato sa sahig na naging dahilan para matilamsikan ang kanyang paa at kamay ng mainit na natunaw na plastic ng mini fan bago pinagpag ang lumiliyab na foam ng kama upang mapatay ang apoy.

Ayon pa sa ginang, dahil sa sobrang init ng panahon ay itinutok niya sa anak niya ang mini fan hanggang ma-drain ang baterya kaya niya chinarge.

Aminado ang ginang na nakatulugan niyang naka-charge ang mini fan nang malibang siya sap ag-scroll sa kanyang facebook page.

Pinayuhan naman ng Bureau of Fire Protection ang publiko na huwag iiwanang naka-charge ang anumang uri ng kanilang gadget dahil malaki ang posibilidad na mag-overheat at sumabog ito.