Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
LPG

LPG nasunog matapos suspek nagbantang pasabugin mga tangke, 3 patay

140 Views

LPG1LPG2LPG3LPG4LPG5PATAY ang tatlong katao, kabilang ang dalawang menor de edad, habang dalawa naman ang sugatan kabilang ang suspek na una ng nagbantang pasasabugin ang pinagtatrabuhang LPG store sa Quezon City, madaling-araw ng Linggo.

Sa inisyal na ulat ng pulisya nasawi ang 49 anyos na babae at magkapatid na edad 11 at 9 na pawang hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang katawan.

Sugatan naman ang 56-anyos na store manager at tiyuhin ng dalawang menor de edad na nasawi at ng suspek.

Sugatan din ang tinuturong suspek na si alias Jo, 21, na kapwa nagtamo ng third-degree burns at kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Sa imbestigasyon, lumabas na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng manager bago ang insidente. Ayon sa mga saksi, narinig pa umano ang suspek na nagbanta na pasasabugin ang mga tangke ng gas at susunugin ang lugar.

Ilang sandali matapos ang sigawan, sunod-sunod na pagsabog ang narinig mula sa loob ng Adriano LPG store sa Durian Street, Brgy. Pasong Tamo, na mabilis na nauwi sa sunog at nadamay pa ang dalawang katabing bahay.

Rumesponde ang Bureau of Fire Protection at idineklarang fire out bandang 4:39 ng umaga.

Natagpuan ang mga bangkay ng tatlong biktima sa loob ng nasunog na establisimyento.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang insidente.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek.