BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Metro
Ginang sugatan, 3 motor yupi sa steel beam na nahulog sa truck
Jon-jon Reyes
Sep 1, 2024
155
Views
SUGATAN ang 64-anyos na ginang at tatlong motorsiklo ang nadaganan ng steel beam na nahulog mula sa tractor head na dumadaan sa Mel Lopez Boulevard at Marjovic Road sa Vitas Tondo, Maynila noong Sabado.
Nahaharap sa kasong Multiple Damage to Properties at Slight Physical Injury ang driver ng truck na nakilalang si Leopoldo Gunday, 47, ng Marilao, Bulacan.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Allanion Dela Cruz, bandang alas-4:30 ng umaga nang maganap ang insidente. habang tinatahak ng tractor head ang lugar.
Biglang kumalas ang mga steel beam pagliko ng truck, ayon sa report, at aksidenteng tinamaan ang tatlong naka park na motorsiklo sa tabi ng kalsada at nasugatan ang 64-anyos na noo’y nasa loob ng tindahan.
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Nanggulo habang may bakal, arestado
Feb 23, 2025
Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025