Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Ginawa ng China sa West PH Sea kinondena ni Speaker Romualdez

182 Views

NAGPAHAYAG ng mariing pagkondena si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa panibagong aksyon ng China sa West Philippines Sea matapos banggain ng kanilang Coast Guard vessel 5203 para hadlangang ang private supply vessel ng Armed Forces of the Philippines na magsasagawa lamang ng re-supply mission.

Sinabi ni Speaker Romualdez, nagkakaisa ang Kongreso para kondenahin ang ginawa ng China na tangkang pagharang sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“We, in the House of Representatives, strongly condemn the recent acts of China, which resulted in the collision of its coast guard vessel 5203 with the private resupply vessel of the Armed Forces of the Philippines,” ayon sa pahayag ni Romualdez.

“These actions not only endangered the lives of those aboard but also posed a threat to regional peace and stability,” dagdag pa sa pahayag.

Nanawagan din ang Speaker na igalang ng China ang mga batas na umiiral sa lugar.

“We urge China to respect international maritime laws and norms, exercise restraint, and ensure the safety of all vessels in the South China Sea,” ayon pa sa pahayag ni Romualdez.

Siniguro naman ng mambabatas sa Leyte na hindi kukunsintehin ng pamahalaan ng Pilipinas ang ginawa ng China.

“Such incidents must not be tolerated, and the Philippine government will try to seek the assistance of the United Nations and other allied countries to deter this unlawful acts of its neighboring country, which is not only its trading partner but supposedly an ally as well,” ani Romualdez.