philippine-sports-commission

Gintong Gawad inilunsad

Robert Andaya Apr 10, 2022
403 Views

SIMULA na muli ang nationwide search para sa walong natatanging women in sports na hihirangin para sa Gintong Gawad 2022 Awards ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ipinahayag ni PSC Women in Sports chairperson Dr. Celia Kiram na ang mabusising paghahanap ay magtatapos sa April 30, or dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ang walong kalahok na mapipili ng panel of judges na binubuo ng nga premyadong personalidad sa sports, ay tatanggap ng magarang handcrafted glass trophy at cash mula sa PSC, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch” Ramirez.

Ang walong categories na nanataya ay ang: Ina ng Isport; Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan (PWD); Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Kumonidad; Kaagapay ng Isport sa Kumonidad; Natatangi at Makabagong Produktong Pang- Isport; at Proyektong Isport Pang Kababaihan.

“The PSC envisioned this noble project to give recognition to women sports leaders for their major contribution promoting and propagating grassroots sports in their localities,” pahayag ni Kiram, na siya ding project director ng weekly “Rise Up, Shape Up” program

Ayon kay Kiram, ang isang nominator ay maaring mag-sumite ng isang nominee bawat category. Ang mga authorized nominators ay ang mga provincial, city at municipal government units.

Inaanyayahan naman ang private entities at mga individuals na makipag- coordinate sa kanilang mga nakakasakop na LGUs kung may nais silang ma-nominate.

Last year, walong awardees mula Rizal, Aklan, Albay, Pangasinan, Isabela, Iloilo, Davao at Cavite ang nabigyan na ng award.
Si Gov. Amado Espino III ay na-nominate ng Provincial Government of Pangasinan dahil na din sa kanyang madaming kontribusyon sa sports sa kanilang probinsya.

Ayon sa ulat, higit 7,000 male at female athletes at coaches ang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.

Nanguna din si Gov. Espino sa pagtatayo ng Pangasinan Sports Academy sa capital city na Lingayen.

Kabilang sa panel of judges sina track legend Elma Muros-Posadas, two-time Paralympics bronze medalist Adeline Dumapong, Marilou Cantancio, Christine Abellana, Dr. Erdessa Fiordeliz, Salvacion de los Angeles at UP Professor of Human Kenetics Francis Diaz.