Calendar
GMR Group ng India interesadong dagdagan pamumuhunan sa PH
NAGPAHAYAG ng interes ang GMR Group ng India na dagdagan ang pamumuhunan sa Pilipinas partikular sa sektor ng paliparan, kalsada, at enerhiya.
Nakipagpulong ang mga opisyal ng GMR Group kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Marriott Hotel sa Singapore.
Sinabi ni Srinivas Bommidala, chairman ng GMR Airports, kay Pangulong Marcos na siya ang in-charge sa international airports at energy investment ng kanilang kompanya habang ang kanyang bayaw na si Kiran Kumar Grandhi ang in-charge sa estratehiya at finance.
“The group started in 1978 by Mr. GM Rao, my father-in-law, his father. And they have commendable businesses. In 1994, we went into highways. In 1999, when India privatized [the] airports, we build airport, six airports in India,” ani ni Bommidala.
Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga naabot ng GMR at umaasa na mamumuhunan din ito sa Pilipinas.
“Definitely we need to improve the capacity that serves Manila. Sangley, the one of Ramon Ang. Anything you build it will get full. I don’t worry, all my experience in major infrastructure, you think its overcapacity, three years later you’ll building some more,” ani Pangulong Marcos na nasa Singapore para sa 2023 Asian Summit.
“And we want that especially when it comes to travel, tourism, business travel, etc. We want it to increase as much as possible. I’m glad that you are looking at the Philippines,” dagdag pa ni Marcos.
Kasama sa pagpupulong si Leonides Virata, ang CEO ng Cavitex Holdings na local partner ng GMR sa pagtatayo ng Sangley airport.
Sinabi ni Virata na inaasahang magsisimula na ang konstruksyon ng Sangley airport sa susunod na taon at planong matapos ang runway nito sa susunod na limang taon.
Ang GMR ay isa rin sa mga potensyal na bidder sa P170.6 bilyong NAIA Public-Private Partnership (PPP) project.
Ang GMR ay may kaugnayan din sa operasyon ng Mactan at Clark airport.