Calendar

Gobyerno hindi helpless vs fake news
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.
Binabati natin sina Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Montero ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,
God Bless sa inyong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)
***
Ang tawaging “stupid” ang Panginong Diyos at murahin ang Santo Papa ay hindi katanggap-tanggap sa isang Kristiyanong bansa na kagaya ng Pilipinas.
Ang masakit dito ay mukhang may mga natuwa pa sa kalapastanganang ginawa sa Diyos at sa yumaong Pope Francis.
Hindi kaya nainsulto ang mga mamamayan, na karamihan ay mga miyembro ng Simbahang Katolika?
Hindi puwedeng sabihing biro lang ito at bulaklak ng dila ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Kagaya ng diumano’y pagbibiro niya sa kanyang bloody war on drugs.
May mga nagsasabi kasing “bulaklak lang ng dila” ni Digong ang kanyang mga banta.
Biro lang ba ang mga pagbabantang ito na nag-resulta naman sa pagkamatay ng libu-libong kababayan natin?
Paniwalaan kaya ito ng mga judges ng International Criminal Court sa The Hague?
****
Hindi helpless ang gobyerno laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa bansa.
Baka iniiwasan lang ng mga otoridad na maakusan na sinusupil nila ang press freedom at free speech.
Pero naniniwala tayo na ang pagpapakalat ng fake news para maghasik ng kaguluhan ay hindi sakop ng “freedom of speech.”
Dapat kasuhan ang mga ito para hindi sila tularan ng ibang nagbabalak ding “maghasik ng lagim” sa bansa.
Hindi masama ang maging kritiko ng gobyerno, pero maging makatotohanan lamang ang mga pinagsasabi natin.
Ang ginagawa ng ibang vloggers ay ginagalit nila ang taumbayan sa pamamagitan ng pagkakalat ng fake news.
Inuulit natin, dapat maging constructive critics tayo.
Ang pagpapakalat ng fake news ay dapat ng matigil.
Walang puwang sa demokrasya ang ganitong nga panlilinlang sa mamamayan.
Hambalusin ang mga dapat hambalusin para hindi na sila tularan ng iba.