Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay may hawak na Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), gayundin ang mga advanced degree na MNSA, MPA, at MBA, bukod pa sa iba.

Goitia: Karapatan ng Pilipinas di maaaring agawin

Jon-jon Reyes Apr 27, 2026
66 Views

SA panahong nangangailangan ang bansa ng malinaw at matatag na tindig, binigyang-diin ni Secretary of National Defense Gilberto “Gibo” C. Teodoro Jr. na ang mga paratang na walang sapat na ebidensya ay walang puwang sa mga usaping pinamamahalaan ng pandaigdigang batas. Kasabay nito, iginiit niya ang pangangailangang ipagtanggol ng Pilipinas ang kanyang mga lehitimong karapatan.

Sa pagtanggi sa alegasyon ng Tsina sa Ayungin Shoal, hindi lamang siya tumutol kundi naglatag ng hamon na patunayan ang mga ito sa angkop na legal na forum. Sa ganitong mga usapin, malinaw: ang katotohanan ay nakabatay sa ebidensya, hindi sa pahayag.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia: “Ang bansang naninindigan sa katotohanan at batas ay hindi sumusuko sa anumang presyur. Batid nito na ang kanyang mga karapatan ay likas at hindi maaaring ipagkaloob, ipagpalit, o ipagkait ng iba.”

Dagdag ni Goitia, higit nang nauunawaan ng maraming Pilipino ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Pinunto di ni Goitia na higit pang luminaw ang sitwasyon sa mga nagdaang pangyayari. Nagbabala ang Beijing sa Estados Unidos, Japan, at Pilipinas laban sa umano’y “playing with fire” kasunod ng Balikatan exercises. Gayunpaman, ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado ay hindi maaaring ituring na provocation, kundi isang lehitimong hakbang upang patatagin ang kahandaan ng bansa sa pagtatanggol ng sarili, kapwa sa kasalukuyan at sa hinaharap.

“Ang soberanya ay hindi ipinagtatanggol nang palihim. Ito ay pinaninindigan nang may tapang, malinaw na direksyon, at matibay na kalooban ng isang bayang hindi papayag na ipagkait ang kanyang mga karapatan,” ani Goitia.

“Ang kapayapaang walang dignidad ay maituturing na pagsuko. Pipiliin ng sambayanang Pilipino ang kapayapaang nakabatay sa katarungan, pinatitibay ng tapang, at ipinagtatanggol ng katotohanan,” ayon pa kay Goitia.

Idiniin pa ni Goitia naalinaw ang mensahe: ang ating mga karapatan ay hindi maaaring agawin, at buong tapang natin itong ipagtatanggol. Maninindigan tayo para sa bayan.