Pat

Union City sa US pinarangalan Fil-Am lider Pat Gacoscos

57 Views

Pat1Pat2

PINARANGALAN kamakailan ng Union City sa Old Alvarado Plaza sa Alameda County, California si Pat Gacoscos, isang lider ng Filipino-American community sa lugar, bilang bahagi ng Sister Cities International Plaza.

Dinaluhan ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa San Francisco ang pagkilala kay Gacoscos na ginawaran ng dalawang proklamasyon bilang pagkilala sa kontribusyon ng kanyang organisasyon sa pandaigdigang pagkakaibigan.

Ang kaganapan ay pinangunahan ni Mayor Gary Singh, kasama sina Vice Mayor Jaime Patiño, City Manager Joan Malloy at mga miyembro ng Konseho na sina Jeff Wang at Scott Sakakihara.

Kasama rin ang mga kinatawan mula sa mga tanggapan nina Sen. Dr. Aisha Wahab, Assemblymember Liz Ortega at Alameda County Supervisor Elisa Marquez; mga opisyal at miyembro ng Union City Friends of Sister Cities; at mga kinatawan ng komunidad ng mga Pilipino-Amerikano.

Dumalo rin sa event ang mga kinatawan ng konsulado na sina Consul General Arnel Talisayon, Consul Rowena Pangilinan-Daquipil, Vice Consul Glaiza Quarters at Cultural Officer Anne Maris Estoya.

Ipinakita kay Gacoscos ang sertipiko ng pagkilala na isyu ng embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C., na nilagdaan ni Ambassador Jose Manuel Romualdez.