Calendar
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations:Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement,kung saan itinataguyod niya ang katotohanan, katatagan, at dangal ng sambayanang Pilipino.
Goitia sa bagong pahayag ni Co: Paratang na walang ebidensya delikado, panloloko
AYON kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia: “Ang paratang na walang ebidensya ay hindi whistleblowing. Ito ay panlilinlang, at nagiging delikado kapag binibigyan ang publiko ng maling impormasyon.”
Inihayag ito ni Goitia matapos maglabas ang dating kongresista Zaldy Co ng panibagong video kung saan idinadawit niya si First Lady Liza Araneta Marcos at ang kapatid nito sa umano’y rice at onion cartel. Iginiit din ni Co na umano’y “nag-utos” si Sandro Marcos ng humigit-kumulang ₱51 bilyon na budget insertions mula 2023 hanggang 2025 — isang paratang na mariing pinabulaanan ni Sandro, na tinawag itong “kasinungalingan” at bahagi ng destabilization efforts.
Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinangka siyang i-blackmail ni Co, at mariing sinabi: “I do not negotiate with criminals.”
Sa Kongreso, mariin ding tinuligsa ang mga pahayag ni Co. Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Majority Leader Sandro Marcos na si Co “ay walang kredibilidad at nagtatangkang guluhin ang pamahalaan,” at binigyang-diin na ang pagpapakalat ng kasinungalingan mula sa ibang bansa ay “hindi magpapalitaw ng katotohanan.”
Tinawag pa niya si Co na “isang kriminal na umiiwas sa pananagutan — hindi isang crusader.”
Dagdag pa ni Goitia:“Kung tunay ang hawak mong katotohanan, humaharap ka sa batas. Huwag kang maglabas ng video mula sa’yong pinagtataguan.”
Wika ni Goitia:“Kapag pabago-bago ang kwento pero hindi lumalabas ang ebidensya, gumu-guho ang kredibilidad.”
Sabi pa ni Goitia:“Ang katotohanan ay hindi umiiwas sa pagsusuri. Hangga’t walang inilalahad na ebidensya sa ilalim ng panunumpa, kwento lamang ang mga ito — hindi katotohanan.
Ingay na walang ebidensya.

