Goitia1 Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay may hawak na Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), gayundin ang mga advanced degree na MNSA, MPA, at MBA, bukod pa sa iba.JONJON C. REYES

Goitia: Tangkang pagsupil sa katotohanan ay kalapastanganan

Jon-jon Reyes Jan 23, 2026
200 Views

Goitia2ANG naging palitan ng pahayag nina Commodore ngPhilippine Coast Guard at ng Chinese Embassy sa Maynila ay hindi isang simpleng sagutan lamang kung hindi ito ay tangka upang subukin ang katatagan ng Pilipinas na ipaglaban ang karapatan nito sa West Philippine Sea(WPS)

“Makatotohanang ebidensya at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard,” ani Dr. Jose Antonio Goitia. “Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang hindi ito kanais- nais sa iba.”

Ang mga pahayag ni Commodore Tarriela ay nakabatay sa opisyal na mga ulat, mga larawan, at dokumentaryo ng katotohanang mga insidente sa dagat. Hindi ito gawa-gawa lamang o haka haka.Lalo nang hindi paninira sapagkat may kalapakip na ebidensya ng katotohanan dagdag pa ni Goitia.

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi lamang personal na aksyon ng isang opisyal. dahil ito ay isang malinaw na polisiya ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na ihayag sa mga Pilipino ang totoong nangyayari na walang itinatago.

“Kapag hinihingi ang pananahimik ng isang opisyal,” paliwanag ni Goitia, “ang tinatamaan ay ang patakaran ng estado. Ang transparency ay hindi opinyon. Ito ay pagpapaakita ng paninindigan ng Pilipinas.

Maliwanag ang posisyon ni Commodore Tarriela. Ang paglalahad ng katotohanan ay isang pananagutan . Walang ulat na itatago at walang teritoryong isusuko. Nakatindig ang Pilipinas sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tugunan ang asal ng China alinsunod sa Vienna Convention.

“Estado ang nakikipag usap sa estado,” ani Goitia. “Hindi dapat tinatakot ang mga lingkod -bayan na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin. Ang soberanya ay pinangangalagaan sa batas at matatag na paninindigan. Ang paglalahad ng katotohanan ay hindi paninira. Ito ay disiplina. Ito ay tungkulin. At ito ay hindi hihinto,” dagdag ni Goitia.

Ginampanan ng Philippine Coast Guard ang mandato nito. Nagsalita si Commodore Tarriela ng may katatagan at awtoridad. Ang tungkulin ngayon ng estado ay ipagtanggol ang sarili nitong mga institusyon.

“Tumatatag ang republika,” pagtatapos ni Goitia, “dahil hindi ito natitinag kapag hinaharap ang katotohanan. Pinagtibay ng Department of Foreign Affairs ang buong suporta nito sa mga institusyong nagtatanggol sa soberanya, karapatan, at hurisdiksyon ng bansa. Kasama nito ang sambayanang Pilipino na hindi natitinag,” ani Goitia.