Powerbank Source: OS Lapid/Florante Rosales

Powerbank na naka-charge, sumabog sa Senado; muntik magkasunog

228 Views

NAGKAROON ng maliit na sunog sa Bills and Index Section ng Senado matapos sumabog ang isang powerbank na kasalukuyang naka-charge, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga empleyado, biglang nagliyab ang powerbank at nasunog ang extension cord na pinagsaksakan nito. Agad namang naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher, at walang nasirang dokumento o gamit sa opisina.

Mabilis ding naibalik sa normal ang operasyon matapos ang insidente.

Paliwanag ng mga eksperto, kadalasang sumasabog ang mga powerbank kapag nasira o na-overheat ang baterya, lalo na kung matagal na itong ginagamit o iniwang naka-charge nang walang bantay.

Nagpaalala ang mga awtoridad na gumamit lamang ng de-kalidad at sertipikadong powerbank, iwasang iwanang nakasaksak ng matagal, at huwag i-charge sa masisikip o mainit na lugar upang maiwasan ang ganitong insidente.