Calendar
Gov. Tolentino namigay ng pagkain sa mga biktima ng bagyo sa Cavite
TRECE MARTIRES CITY, Cavite–Namigay ng mga food packs si Cavite Gov. Athena Tolentino sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa Cavite noong Biyernes at Sabado.
Kasama ni Tolentino sa pag-iikot sa 15 bayan at 8 syudad sina Board Member Abeng Remulla at Bokal Ram Revilla.
Idineklara ni Gov. Tolentino ang state of calamity sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 3411-2024 dahil sa labis na pinsala na dulot ng ulan.
Naglalaan ang Cavite ng P20,000,000 na pondo para gamitin ng Cavite sa pagbangon sa pinsala ng bagyo.
Nagpasalamat ang governor sa mga city at municipal mayors, barangay officials, CDRRMO, DSWD, PNP, BFP, Coast Guard at iba’t-ibang sektor na nagbayanihan para sa kapwa Caviten̈o.
Inatasan din ni Tolentino ang Provincial Engineering Office, Bureau of Fire Protection at nag-request ng assistance para sa paglilinis ng mga kalsada na napuno ng mga burak, basura at putik dahil sa pagbaha.