Grab Source: File photo

Grab driver nagselos, sinugod, binantaan dyowang therapist, tiklo

Jon-jon Reyes Aug 15, 2024
36 Views

ARESTADO ang Grab driver dahil sa pagbabanta na papatayin ito matapos magselos sa loob ng spa sa panulukan ng Remedios at Ma.Orosa Sts., Malate, Maynila noong Huwebes.

Nahaharap sa kasong Grave Threat in Relation to Republic Act 9262 at RA 10591 ang suspek na si alyas Romald, ayon sa mga pulis.

Base sa ulat ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Sa reklamo ng 30-anyos na spa therapist, may bitbit pang baril ang driver ng magtalo sila dahil sa selos at nagbanta din ito na papatayin siya.

Nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad kaya nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Remedios police.

Kusang loob na binuksan ng driver ang pinto ng kotse at nakita ang dala nitong baril.