Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Sinisiyasat ng mga pulis ang ginang na naipit sa pagitan ng mga gulong ng trailer truck sa Maynila.
Kuha nI JONJON C. REYES
Metro
Ginang tumawid, nakaladkad ng trak sa Paco, patay
Jon-jon Reyes
Aug 15, 2024
511
Views
PATAY ang ginang na naipit sa likod na gulong ng truck sa San Marcelino St. malapit sa Remedios St. sa Paco, Maynila noong Huwebes.
Tinatayang nasa edad 45-50-anyos,nakapulang t-shirt, puting short pants at sinasabing taong grasa ang biktima.
Ayon kay Police Major Val Valencia, hepe ng Paco police community precinct-Manila Police District Station 5, naganap ang insidente bandang alas-4:30 ng hapon.
Base sa CCTV footage, nakahinto ang truck ng biglang tumawid at sumuot sa pagitan ng mga gulong sa likod ng truck.
Umandar ang truck at nakaladkad ng ilang metro ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Sumuko ang driver ng truck na nakilalang si Rey Lebato, 34, na ngayo’y nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026

