PRC

Graduate ng UP nanguna sa Librarian Licensure Examination

194 Views

ISANG nagtapos sa University of the Philippines-Diliman ang nanguna sa September 2022 Librarian Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nakakuha si Marzo Meco Bagayaua Alfonso ng 88.20 porsyento.

Mga nagtapos sa UP-Diliman ang umukupa sa top 5.

Pumangalawa si August Emmanuel Napoles Florese na nakakuha ng 87.75 porsyento at sinundan nina Paul Martin Perit Jequinto (87.65 porsyento), John Arjude Calilap Gerona (87.60 porsyento), at Beatrice Bernardin Go Tan (87.0 porsyento).

Sumunod naman sina Joshua Lovic Diaz Abaya ng Bestlink College of the Philippines (86.5 porsyento), Ces Archae Dominado Buenavista ng UP-Diliman (86.45 porsyento), Raymond Mendoza Reyes ng UP-Diliman (85.9 porsyento), Claire Anne de Jesus San Pedro ng Bulacan State University-Malolos (85.55 porsyento), Diana Faith Fernando Dalilis ng Benguet State University-La Union (85.4 porsyento), at Sammy Siazon Lagas II ng UP-Diliman (85.4 porsyento).

Sa 634 na kumuha ng pagsusulit ay 250 ang pumasa, ayon sa PRC.