Calendar
Granada, boga nasamsam sa murder suspek
NASAMSAM ng mga pulis sa isang lalaki ang baril, granada at tatlong pillbox bomb matapos salakayin ang kanyang bahay noong Miyerkules sa Caloocan City.
Pinasok ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang bahay ng akusado dakong alas-4:20 ng umaga sa Brgy. 178 North Caloocan dala ang dalawang warrant of arrest para sa kasong pagpatay.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, galing ang warrant of arrest sa Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 126.
Hindi na naghalughog sa bahay ng akusado ang mga pulis dahil lantad na ang kalibre .38 revolver, granada at mga pillbox bomb na pag-aari ng akusado.
Bukod sa kinakaharap na mga kaso, sasampahan pa ng mga pulis ng reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives ang akusado.

