Calendar

Grand Santacruzan ’25 ginanap sa Calapan
GINANAP sa Calapan City noong Mayo 18 ang Pandang Gitab Grand Santacruzan 2025, isang makulay na pagdiriwang ng kultura, sining at pananampalataya ng mamamayang Mindoreno.
Sinimulan ang pagdiriwang sa sisa sa Sto. Nino Cathedral na pinangunahan ni Bishop Moises Cuevas. Nag-alay ng bulaklak sa Birheng Maria at sinundan ng prusisyon ng mga sagala sa JP Rizal St. patungong kapitolyo.
Ayon kay Gov. Humerlito “Bonz” Dolor, malayo man siya kasama siya sa paggunita sa espesyal na araw na iyon.
“Ang pagdiriwang ng Grand Santacruzan matibay na pagpapaalala sa atin na sa pamamagitan ng mga ilaw, ganda ng mga sagala, mga naggagandahang arko at sa panalangin ng bawat isa habang tayo lumalakad at ipinararating sa Diyos ang ating pasasalamat ramdam natin na nagkakaisa tayo bilang isang lalawigan,” sabi niya.
Pinangunahan ang event nina Civil Service Commission-Oriental Mindoro Director Maria Theresa Poblador, Parochial Vicar ng Sto. Nino Cathedral Fr. Muy Bien N. Sandoval at Philhealth Local Health Insurance Officer Ma. Neresa Reganit.
Tinanghal na Grand Santacruzan Best Costume si Reyna Delas Flores ng Provincial Health Office.
Tumanggap siya ng P60,000 na premyo. Grand Santacruzan Best Arc si Reyna Mystica ng Philippine Ports Authority PMO Mindoro. Tumanggap siya ng P100,000 cash prize.