MPBL

‘Gregzilla’ nanalasa sa MPBL

Robert Andaya Aug 1, 2024
87 Views

HUMIRIT ng panibagong double-double si Greg Slaughter upang pangunahan ang Manila SV Batang Sampaloc sa 91-76 panalo laban sa Marikina, 91-76, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Slaugher, na tinaguriang “Gregzilla”ng kanyang.madaming basketball fans simula pa ng kanyang PBA days, ay nagtala ng 17 points at 13 rebounds para sa ika 14 panalo sa 19 na laro ng Manila sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament.

Pakitang gilas din sina Tonino Gonzaga, na may 22 points, eight rebounds at five assists; Jan Jamon, na may 15 points at rebounds; at Enzo Navarro, na may 10 points, five rebounds at four assists.

Ang Marikina Shoemasters, na bumagsak pa sa 6-13 win-loss record, g ay nakakuha ng 19 points at four rebounds mula kay Eric Joseph Pili, 14 points, four assists, four steals, at three rebounds mula kay Ahron Estacio, at 11 points at five reboundsmula kay homegrown Jomel Landayan.

Sa iba pang mga laro, tinalo ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Valenzuela Classics, 93-83, at winalis ng Pasay Voyagers ang Parañaque Patriots, 78-72,

Dadayo ang MPBL sa Kamalig gym in Orion, Bataan ngayong Huwebes, August 1, na kung saan itatampok ang mga laro ng Rizal at Davao simula 4 p.m., Bacolod at Batangas sa 6 p.m., at San Juan at Bataan sa 8 p.m.