Greg Mainit ang pagbabalik ni GregZilla.

GregZilla pasiklab agad sa MPBL

Robert Andaya May 25, 2024
210 Views

WELCOME back, GregZilla.

Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkawala, nagpakitang gilas ang four-time PBA champion na si Greg Slaughter upang pangunahan ang Manila SV Batang Sampaloc sa 79-63 panalo sa dating walang talong Biñan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Ang 7-0 Filipino-American, na dating naglaro sa Barangay Ginebra at NorthPort sa PBA mula 2013-2021, ay nagtala ng 12 points, eight rebounds at four assists para pangunahan ang Manila sa kanilang ika-anim na panalo sa 10 laro.

Dahil dito, nahirang si Slaughter, na binansagang “GregZilla”, bilang “Best Player of the Game”sa kanyang unang laro sa 29-team tournament.

Gayundin, nagpakita ng galing sina Carl Bryan Cruz, na may 21 points, five rebounds, one assist, one steal at one block, at Jan Jamon, na may 14 points, kabilang ang three-pointer na nagbigay sa Manila ng 66-54 kalamangan sa huling ang apat na minuto ng laro.

Dalawang free throws pa ni Cruz ang tuluyang tumiyak sa panalo ng Manila at nagpalasap ng unang talo ng Bian matapos ang anim na panalo.

Sina Jimboy Estrada at Nino Canaleta ang namuno pasa sa Biñan sa kanilang 15 at 11 points, ayon sa pagkasunod.

Ang MPBL, na tinatawag ding “Liga ng Bawat Pilipino,” ay itinatag ni Sen.Manny Pacquiao para bigyan ng pagkakataon ang mas madaming Filipino players na makalaro sa regional league.

Ang PBA legend na si Keneth Duremdes ang tumatayong commissioner ng MPBL.

The scores:

Manila (79) – Cruz 21, Jamon 14, Slaughter 12, Umali 6, Mitchell 5, Javelona 5, Escandor 5, Navarro 4, Al-Hussaini 3, Flores 2, Battaler 2, Cuya 0, Tempra 0, Hanapi 0, Gonzaga 0.
Biñan (63) – Estrada 15, Canaleta 11, Baetiong 6, Rocacurva 6, Helterbrand 5, Maestre 5, Actub 4, Pido 4, Alabanza 3, Chan 2, Manalang 2, Raymundo 0, Anonuevo 0, Grey 0, Alonte 0.
Quarterscores: 11-14, 32-32, 54-51, 79-63